top of page
Published in

Academic Frontiers
Isang Pagsusuri sa Aklat na Pinagyamang Pluma I – IV: Ang Uri ng mga Akdang Pampanitikan, ang mga May-Akda at ang Pinakagamiting Gawaing Pampanitikan
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 63-73, ISSN: 3082-4400, 2025.
Recommended Citation:
Ibrahim, N. H. (2025). Isang Pagsusuri sa Aklat na Pinagyamang Pluma I – IV: Ang Uri ng mga Akdang Pampanitikan, ang mga May-Akda at ang Pinakagamiting Gawaing Pampanitikan. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 63–73. https://doi.org/10.5281/zenodo.17470666
Author(s)
Ibrahim, Nasimah H.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga akdang pampanitikan na nakapaloob sa serye ng aklat na Pinagyamang Pluma I–IV upang matukoy ang uri ng mga akdang pampanitikan, ang mga may-akda, at ang pinakagamiting gawaing pampanitikan sa pagtuturo. Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong metodo ng pananaliksik na sinamahan ng pagsusuring pangnilalaman upang mailarawan at masuri ang mga akdang pampanitikan mula sa bawat tomo ng Pinagyamang Pluma. Inilahad ang mga datos sa pamamagitan ng pag-uuri sa mga anyo ng panitikan, pagtukoy sa mga may-akda, at pagsusuri sa mga gawaing pampanitikan na ginamit. Ibinatay ang pagsusuri sa mga teoryang Moralistiko, Bayograpikal, at Sosyo-Kultural upang maipakita ang kaugnayan ng akda, may-akda, at mambabasa sa konteksto ng pagtuturo ng panitikan. Lumabas sa resulta na ang mga akdang pampanitikan sa Pinagyamang Pluma I–IV ay naglalaman ng mga piling akdang nagpapakita ng kultura, paniniwala, at tradisyon ng mga Pilipino. Karamihan sa mga akda ay isinulat ng mga tanyag na manunulat na nag-ambag ng mahahalagang kaisipan sa larangan ng panitikan, samantalang may ilan ding bagong manunulat na nakapagbigay ng makabuluhang ambag sa paglinang ng kamalayang pampanitikan ng mga mag-aaral. Natuklasan din na ang pinakagamiting mga gawaing pampanitikan ay ang pagsagot sa mga tanong at pagsusulat ng journal na sinusuportahan ng paggamit ng iba’t ibang graphic organizer, na nagpapahiwatig na objective type of test ang nangingibabaw na estratehiya sa aklat. Iminumungkahi ng pag-aaral ang patuloy na paggamit at pagrepaso ng Pinagyamang Pluma I–IV bilang sanggunian sa pagtuturo ng panitikan, gayundin ang pagdaragdag ng mga kontemporaryong akda upang higit na malinang ang kritikal at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral.
bottom of page


