top of page
Published in

Academic Frontiers
Moral at Pagpapalit-Koda sa Mga Piling OPM Rap: Lunsaran sa Pagtuturong Pangwika
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(3), 20-33, ISSN: 3082-4400, 2025.
Recommended Citation:
Jamera, J. G. (2025). Moral at Pagpapalit-Koda sa Mga Piling OPM Rap: Lunsaran sa Pagtuturong Pangwika. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(3), 20–33. https://doi.org/10.5281/zenodo.15872959
Author(s)
Jamera, Jiben Grace
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong siyasatin ang mga anyo at tungkulin ng code-switching sa piling Original Pilipino Music (OPM) rap songs, gayundin ang mga moralistikong temang nakapaloob sa mga liriko nito, upang matukoy kung paano ito maaaring maging makabuluhang lunsaran sa pagtuturong pangwika at moralidad ng mga kabataan. Ginamit ang pagsusuring pangnilalaman bilang pangunahing metodolohiya, kalakip ang analitikong balangkas nina Poplack (1980) hinggil sa mga uri ng code-switching at nina Appel at Muysken (2006) para sa mga tungkulin nito. Labinlimang (15) OPM rap songs mula sa mga kontemporaryong artist tulad nina Al James, Andrew E., Dionela, Ex Battalion, at Nik Makino ang pinakinggan, binasa, at sinuri nang masinsinan. Lumabas sa resulta na ang intra-sentential switching ang pinakapangunahing anyo ng pagpapalit-koda (243 insidente), kasunod ang inter-sentential switching (17) at tag-switching (8). Ipinakita ng pagsusuri na ang mga tungkulin ng pagpapalit-koda ay nakatuon sa pagpapahayag ng emosyon, pagbibigay ng estilistiko at kultural na representasyon, at pagpapalapit sa karanasan ng kabataang Pilipino. Bukod pa rito, malinaw na ang mga liriko ay nagsisilbing salamin ng kontemporaryong pananaw ukol sa pag-ibig, pananampalataya, pagkatao, at pakikibaka. Ipinapakita rin ng pag-aaral na ang OPM rap songs ay maaaring gamitin bilang materyal sa pagtuturo ng wika at sa pagpapalalim ng kamalayang moral ng kabataan. Inirerekomenda na gamitin ang mga kantang ito sa mga asignaturang Filipino, Panitikan, o Komunikasyon bilang kongkretong halimbawa ng code-switching at bilang daluyan ng pagbabahagi ng mga pagpapahalagang Pilipino.
bottom of page


