top of page
Published in

Academic Frontiers
Pagkilala sa mga Produktong Materyal na Kultura sa Munisipalidad ng Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 50-62, ISSN: 3082-4400, 2025.
Recommended Citation:
Kiram, A. P. (2025). Pagkilala sa mga Produktong Materyal na Kultura sa Munisipalidad ng Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur. In ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication (Vol. 1, Number 6, pp. 50–62). Lakbay-Diwa Publishing. https://doi.org/10.5281/zenodo.17438881
Author(s)
Kiram, Ahmadserany P.
Abstract
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Pagkilala sa mga Produktong Materyal na Kultura sa Munisipalidad ng Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur ay tumatalakay sa mga produktong materyal na kultura ng mga Meranaw na patuloy na ginagamit, pinahahalagahan, at itinuturing na bahagi ng kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng modernisasyon. Layunin ng pananaliksik na matukoy ang iba’t ibang produktong materyal na kultura sa Bacolod-Kalawi, kabilang ang kanilang gamit, katawagan, okasyong pinaggagamitan, at simbolikong kahalagahan sa lipunang Meranaw. Sa pamamagitan ng panayam sa piling impormante, natukoy ng mananaliksik ang labing-apat (14) na produktong materyal na kultura na aktibo pa ring ginagawa at ginagamit ng mga mamamayan. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong kategorya: yari sa tela, semento, at kahoy. Sa mga produktong yari sa tela, kabilang ang mamandiyang, ampas, karpit, payong a dadakatan, balod, landap, langkit, ponda a bobordaan, at libot, na karaniwang ginagamit sa mga tradisyunal na okasyon tulad ng kasal at koronasyon. Sa mga produktong yari sa semento, nakilala ang dindingali, baloster, sanipa, at panolong, na pawang may disenyo ng okir at nagsisilbing pandekorasyon o bahagi ng arkitektura ng mga bahay Meranaw. Samantala, ang produktong yari sa kahoy ay ang arko, na ginagamit bilang simbolo ng pagbati at parangal sa mga nagbalik mula sa hajj. Ipinakikita ng resulta ng pag-aaral na nananatiling buhay ang mga produktong materyal na kultura ng mga Meranaw, sapagkat patuloy itong ginagamit, pinagyayaman, at ipinapasa sa susunod na henerasyon bilang mahalagang bahagi ng kanilang pamana at identidad kultural.
bottom of page


