top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Tagalog at Filipino: Wika sa Likod ng mga Akda ni Ser Mike

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 74-81, ISSN: 3082-4400, 2025.

Recommended Citation:

Camama, M. M. (2025). Tagalog at Filipino: Wika sa Likod ng mga Akda ni Ser Mike. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 74–81. https://doi.org/10.5281/zenodo.17471072

Author(s)

Camama, Marjan M.

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang nagaganap na pagbabago ng wika o ebolusyon ng wikang Tagalog tungo sa Filipino sa mga piling akda ng kilalang makata at guro na si G. Michael M. Coroza. Tinutukoy sa papel na ito ang mga salitang makikita sa kanyang mga akda na nagpapakita ng impluwensiya ng modernisasyon at pagbabagong dulot ng panahon. Sinagot ng pag-aaral ang mga sumusunod na suliranin: (1) Sino si Michael Coroza bilang manunulat? at (2) Ano-ano ang mga piling akda na nagpapakita ng pagbabago ng mga salita bunga ng ebolusyon ng wika? Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong metodo ng pananaliksik na sinamahan ng pagsusuring pangnilalaman (content analysis). Sa pangangalap ng datos ay ginamit ang purposive at convenient sampling upang mapili ang mga akdang tatalakayin. Tatlong teorya ang ginamit bilang balangkas sa pagsusuri, ang Teoryang Istrukturalismo, na nagbibigay-diin sa estruktura at gamit ng mga salita sa akda; ang Teoryang Saykolinggwistiko, na nakatuon sa ugnayan ng wika at pag-iisip; at ang Teoryang Bayograpikal, na tumutukoy sa koneksiyon ng buhay ng may-akda sa kanyang mga likha. Lumabas sa pagsusuri na ang mga piling akda ni G. Michael Coroza, kabilang ang Manunuklas, Ibong Sawi, Utang, Paslit, at Troso, ay nagpapakita ng malinaw na pag-usbong ng mga salitang Filipino na unti-unting humalili o humalo sa mga salitang Tagalog. Pinatutunayan ng resulta na habang umuusad ang panahon, dumarami ang mga hiram na salita at kontemporaryong termino na ginagamit ni Coroza, bunga ng pagiging buhay, dinamiko, at bukas sa pagbabago ng wikang Filipino. Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga akda ni Ser Mike ay hindi lamang repleksiyon ng kanyang malikhaing kaisipan kundi ng patuloy na ebolusyon ng ating pambansang wika.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page