top of page
Published in

Academic Frontiers
Ang Makabagong Mukha ng Adbertismo: Epekto ng Paggamit ng Artificial Intelligence sa Pagpili ng Produktong Bibilhin sa Online na Merkado
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 62-69, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Pinca, A. N., Solo, G. C., Asis, R. D., Balderama, G. P., Bernarte, F., Cecilio, B., Diaz, J. L., Loberiza, G., Ferrer, M., Padulip, K. E., Billy, M. B. M., & Aquino, R. D. (2026). Ang Makabagong Mukha ng Adbertismo: Epekto ng Paggamit ng Artificial Intelligence sa Pagpili ng Produktong Bibilhin sa Online na Merkado. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 62–69. https://doi.org/10.5281/zenodo.18361770
Author(s)
Pinca et al.
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang epekto ng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa adbertismo sa pagpili ng mga produkto ng mga mamimili sa online na merkado. Ginamit sa pag-aaral na ito ang mixed method approach partikular ang convergent parallel ng pananaliksik at kumuha ng datos mula sa mga piling respondenteng mga mag-aaral na pasok sa Generation Z mula sa EARIST- MANILA na gumagamit ng mga plataporma sa pamimili online gaya ng TikTok, Shopee, at Lazada. Natuklasan sa pag-aaral kung paano ginamit ang Artificial Intelligence sa adbertismo sa pamamagitan ng pagbigay ng malinaw na impormasyon tungkol sa benepisyo ng produkto at pagsuri sa interes ng tao para sa mga nakatutok na patalastas. Ang paggamit ng Artificial Intelligence ay nakaapekto sa pagpili ng produkto dahil sa mga isina-personal na rekomendasyon at biswal na disenyo na nagpabilis sa proseso ng pagpapasya ng mga mamimili. Gayunpaman, lumabas din na nagkaroon ng malaking pag-aalinlangan ang mga respondente pagdating sa seguridad ng datos at pagiging pribado, pati na rin sa katumpakan ng kalidad ng produkto kumpara sa mga larawang binuo ng Artificial Intelligence. Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay nagpakita na ang Artificial Intelligence ay nagsilbing makabuluhang impluwensya bilang makabagong mukha ng adbertismo na nagpabago sa gawi at katapatan ng mga mamimili sa mga tatak. Ang positibong pagtanggap ng publiko sa bilis at kadalian ng transaksyon ay naging hudyat na ang teknolohiya ay patuloy na magtatakda ng bagong pamantayan sa online na merkado, basta’t matugunan ang mga isyu sa etika at katapatan ng mga patalastas.
bottom of page


