top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Barayti sa Palabigkasan ng Wikang Sinurigaonon sa mga Katawagan sa Iba't Ibang Okasyon

Academic Frontiers, 2(5), 273-283, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Uy, P. C., & Escultor, G. R. (2026). Barayti sa Palabigkasan ng Wikang Sinurigaonon sa mga Katawagan sa Iba't Ibang Okasyon. Academic Frontiers, 2(5), 273–283. https://doi.org/10.5281/zenodo.20448625

Author(s)

Uy, Patrocenia C., Escultor, Gemma R.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng barayti sa palabigkasan ng wikang Sinurigaonon sa mga katawagang ginagamit sa iba’t ibang okasyong panlipunan at pangkultura tulad ng kasal, binyag, pista, at lamay sa piling barangay ng Lungsod ng Surigao. Layunin nitong matukoy ang mga piling katawagang Sinurigaonon na ginagamit sa mga nabanggit na okasyon, masuri ang kanilang mga katangiang ponolohikal, at matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng palabigkasan ng mga salita sa iba’t ibang barangay. Ginamit ang kwalitatibo-deskriptibong disenyo ng pananaliksik. Isinagawa ang pag-aaral sa limang barangay ng Lungsod ng Surigao, kabilang ang Day-asan, Punta Bilar, Capalayan, Danao, at San Roque. Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling at binubuo ng tatlumpung (30) tagapagsalita ng wikang Sinurigaonon na gumamit ng semi-structured na talatanungan sa pakikipanayam. Isinailalim sa pagsusuring ponolohikal ang mga nakalap na salita upang matukoy ang mga baryasyon sa ponema, diin, glottal stop, at iba pang katangiang palabigkasan ng wikang Sinurigaonon. Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na nananatiling buhay at malawakang ginagamit ang mga katawagang Sinurigaonon sa iba’t ibang okasyong panlipunan bilang bahagi ng identidad at kulturang Surigaonon. Napatunayan din na may pagkakatulad at pagkakaiba sa palabigkasan ng mga salita batay sa barangay at konteksto ng paggamit ng wika. Ipinakita rin ng pag-aaral na may impluwensya ang mga salik na panlipunan, heograpikal, at kultural sa baryasyon ng palabigkasan ng mga salita. Bunga ng pag-aaral, nakabuo ang mananaliksik ng glosaryo ng mga katawagang Sinurigaonon sa iba’t ibang okasyon at isang banghay-aralin sa Filipino na inaasahang makatutulong sa pagpapalalim ng kamalayang pangwika at pangkultura ng mga mag-aaral at sa pagpapanatili ng wikang Sinurigaonon bilang mahalagang bahagi ng pamanang kultural ng mga Surigaonon.

Keywords

Edukasyon, Sinurigaonon, Palabigkasan, Barayti ng Wika, Glosaryo, kwalitatib-deskriptib, Pilipinas

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page