top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Dayalektal Barayti: Pagalugad sa mga Salitang Ginagamit sa Komunidad ng Kabuhayang Pangisdaan

Academic Frontiers, 2(5), 422-438, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Alonzo, R. R. H., & Serdan, G. A. (2026). Dayalektal Barayti: Pagalugad sa mga Salitang Ginagamit sa Komunidad ng Kabuhayang Pangisdaan. Academic Frontiers, 2(5), 422–438. https://doi.org/10.5281/zenodo.20544218

Author(s)

Alonzo, Rachell Rose H., Serdan, Geraldine A.

Abstract

Gumamit ang mananaliksik sa pag-aaral ng disenyong paglalarawan o deskriptibong pamamaraan sa pamamagitan ng fieldwork, pakikipanayam, at pagtatala ng mga salitang ginagamit sa pangisdaan. May apatnapung (40) impormante mula sa lugar ng pangisdaan ng Placer. Hinanap ng mananaliksik ang mga mangingisda mismo at ang mga nagtrabaho sa kanilang palengke. Samantala, ang mga impormante ay pinili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snowball sampling. Purposive dahil sadyang pipiliin ng mananaliksik ang mga impormante na sangkot lamang sa kabuhayang pangisdaan. Maaaring gamitin ang snowball sampling dahil maaaring mapuntahan ng mananaliksik ang isa pang mangingisda ayon sa ipakilala ng unang nalalapit na mangingisda. Nakakalap ang mananaliksik ng mga rehistrong salita batay sa mga sangkot sa pangkabuhayang pangisdaan—mangingisda, broker, nagtitinda, konsyumer, at naglalako. Ito ay tinuos sa pamamagitan ng frequency at percentage upang masukat ang diyalektal na barayti ng mga salita at ang impluwensiya nito sa wikang Surigaonon. Napag-alaman na aktibong kalahok sa pangkabuhayang pangisdaan ang mga kababaihan, partikular sa pagtitinda at pangingisda. Ang kanilang edad, mahabang paninirahan sa komunidad, at paggamit ng Surigaonon ay nagpapakita ng matatag na ugnayang panlipunan at malakas na preserbasyon ng katutubong wika sa araw-araw na komunikasyon. Ang kabuuang 151 salitang nakalap ay nagpapakita na ang bokabularyo sa pangingisda ay malawak at nagmumula sa iba’t ibang aktor ng industriya tulad ng broker, konsyumer, mangingisda, at maglalako. Ipinapakita nito ang masalimuot at organisadong sistema ng kalakalan at produksyon sa pangisdaan. Ang 82 terminolohiyang tumutukoy sa proseso, kagamitan, at klase ng isda ay nagpapakita na ang pangisdaan ay isang sistematikong gawain na may malinaw na proseso mula produksyon hanggang distribusyon, na nakaugat sa praktikal na kaalaman at aktuwal na karanasan ng komunidad. Lumabas na nangingibabaw ang wikang Surigaonon sa pangkabuhayang pangisdaan (54.08%), na nagpapahiwatig na ito ang pangunahing midyum ng komunikasyon sa Lungsod ng Placer. Gayunpaman, ang presensya ng Cebuano, Ingles, at Tagalog ay nagpapakita ng impluwensya ng rehiyonal at modernong wika sa kalakalan at teknikal na aspeto ng industriya. Inirekomenda na suportahan ang mga programang pangwika at pangkultura na makatutulong sa dokumentasyon at preserbasyon ng mga lokal na terminolohiyang ginagamit sa pangisdaan.

Keywords

Surigaonon, Pangisdaan, Dialektal na Barayti, Bokabularyo, Preserbasyon ng Wika, Pamamaraang Deskriptibo

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page