top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Deskriptibong Pagsusuri ng mga Kuwento sa Likod ng mga Tatak ng mga Produktong Dinagatnon: Batayan sa Paggawa ng Supplemental IM

Academic Frontiers, 2(5), 95-102, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Catubig, H. E., & Causing, P. M. (2026). Deskriptibong Pagsusuri ng mga Kuwento sa Likod ng mga Tatak ng mga Produktong Dinagatnon: Batayan sa Paggawa ng Supplemental IM. Academic Frontiers, 2(5), 95–102. https://doi.org/10.5281/zenodo.20208945

Author(s)

Catubig et al.

Abstract

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Deskriptibong Pagsusuri ng mga Kuwento sa Likod ng mga Tatak ng mga Produktong Dinagatnon: Batayan sa paggawa ng Supplemental na IM” ay naglalayong tuklasin at suriin ang ugnayan ng wika, kultura, at turismo sa pamamagitan ng mga lokal na tatak sa Dinagat Islands. Sa konteksto ng patuloy na pag-unlad ng industriya ng turismo, binibigyang-diin ng pananaliksik ang kahalagahan ng mga produktong panturismo hindi lamang bilang materyal na souvenir kundi bilang daluyan ng kultural na identidad at kolektibong alaala ng komunidad. Partikular nitong sinasagot ang mga tanong hinggil sa mga uri ng produktong Dinagatnon, mga kuwentong pinagmulan at kahulugan ng kanilang mga tatak, at ang papel ng wika sa paghubog ng kultural na representasyon at karanasan ng turista. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo, partikular ang narrative approach, upang makalap ang masinsinang datos mula sa mga lokal na negosyante at tagagawa ng produkto. Sa pamamagitan ng purposive sampling, napili ang mga kalahok na may direktang karanasan sa paglikha at pagbebenta ng mga produktong Dinagatnon. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng panayam, na sinuri gamit ang thematic analysis at matrix coding upang matukoy ang mga umuusbong na pattern at kahulugan mula sa kanilang mga salaysay. Lumabas sa resulta ng pag-aaral ang tatlong pangunahing tema: (1) Pagkakakilanlan at Uri ng Produktong Dinagatnon, na nagpapakita ng iba’t ibang lokal na produkto bilang simbolo ng likas-yaman at kakayahan ng komunidad; (2) Kuwento, Pinagmulan, at Kultural na Kahulugan ng mga Tatak, na naglalahad ng malalim na naratibo sa likod ng bawat pangalan at tatak na nakaugat sa kasaysayan, paniniwala, at karanasan ng mga mamamayan; at (3) Wika bilang Daluyan ng Kultural na Representasyon at Turismo, na nagpapakita kung paano ginagamit ang lokal na wika bilang estratehiya sa pagba-brand upang mapalalim ang koneksyon ng turista sa lugar. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang paggamit ng lokal wika sa mga tatak ay nagdudulot ng mas mataas na antas ng kultural na kamalayan at mas makabuluhang karanasan para sa mga bisita. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nag-aambag sa larangan ng wika, kultura, at turismo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng naratibo at lokal na wika sa pagba-brand ng mga produktong panturismo. Inirerekomenda nito ang pagpapaigting ng mga programang pang-edukasyon at pangkomunidad na magpapalalim sa kamalayan ng mga lokal na tagagawa hinggil sa etikal at kultural na responsableng pagba-brand, upang mapanatili ang natatanging identidad ng Dinagat Islands sa gitna ng patuloy na globalisasyon.

Keywords

Produktong Panturismo, Kultural na Identidad, Wika at Turismo, Narrative Approach, Kuwento at Tatak

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page