top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Differentiated Instruction: Lawak ng Pagpapatupad at mga Hamong Kinakaharap ng mga Guro sa Jose Zurbito Sr. Elementary School

Academic Frontiers, 2(5), 365-375, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Bolon, J. C. (2026). Differentiated Instruction: Lawak ng Pagpapatupad at mga Hamong Kinakaharap ng mga Guro sa Jose Zurbito Sr. Elementary School. Academic Frontiers, 2(5), 365–375. https://doi.org/10.5281/zenodo.20482048

Author(s)

Bolon, Josie C.

Abstract

Sa kasalukuyang edukasyon, kinakaharap ng mga guro ang hamon ng magkakaibang kakayahan, interes, at istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Bilang tugon, lumilitaw ang pangangailangan para sa inklusibo at learner-centered na estratehiya tulad ng Differentiated Instruction (DI). Ang DI ay nagbibigay-daan sa mga guro na iangkop ang kanilang pagtuturo upang mas mapaunlad ang pagkatuto at motibasyon ng bawat mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na suriin ang implementasyon ng DI at ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa elementarya. Tinukoy ang antas ng implementasyon ng DI, ang epekto nito sa akademikong pagganap, motibasyon, at interaksyon ng mga mag-aaral, at ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa paggamit nito. Gumamit ng descriptive-survey research design at structured questionnaire na may Likert scale upang masukat ang antas ng implementasyon at epekto ng DI. Ang mga respondente ay mga guro sa ikalawang baitang na may karanasan sa DI. Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng implementasyon ng DI (mean=4.11) at positibong naimpluwensyahan ang akademikong pagganap at motibasyon ng mga mag-aaral (mean=3.96–4.25). Gayunpaman, ang dami ng mag-aaral, pamamahala ng klase, at limitadong oras at kagamitan ay naging pangunahing hamon. Ipinapakita ng pag-aaral na ang DI ay mabisang estratehiya para sa learner-centered na edukasyon, at nagbibigay ng gabay sa pagpapabuti ng pagtuturo at pagkatuto.

Keywords

Differentiated Instruction, learner-centered, motibasyon, akademikong pagganap, inklusibong edukasyon, hamon sa pagtuturo

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page