top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Epekto ng False Advertising Sa Gawi ng Pamimili ng Mag-aaral na Kumukuha ng Kursong Pamamahala ng Negosyo sa Industriya ng E-Commerce ng Eulogio 'Amang' Rodriguez Institute of Science and Technology-Manila

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 46-53, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Gupilan, C. S. T., Abel, J. M., Ampuan, S. M., Bautista, G. H., Bautista, G. Z. P., Lirag, M. M. C., Mendoza, M. V., Sangumay, J. S., Santos, J. F., Villate, J. L. B., Aquino, R. D., & Billy, M. B. M. (2026). Epekto ng False Advertising Sa Gawi ng Pamimili ng Mag-aaral na Kumukuha ng Kursong Pamamahala ng Negosyo sa Industriya ng E-Commerce ng Eulogio 'Amang' Rodriguez Institute of Science and Technology-Manila. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 46–53. https://doi.org/10.5281/zenodo.18360876

Author(s)

Gupilan et al.

Abstract

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang epekto ng false advertising sa gawi ng pamimili ng mag-aaral na kumukuha ng kursong pamamahala ng negosyo sa industriya ng e-commerce ng Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institute of Science And Technology (EARIST) Manila. Ginamit sa pananaliksik ang kwantitatibong disenyo gamit ang deskriptibong paraan sa talatanungan upang mangalap ng datos mula sa napiling respondente na nabibilang sa mga mag-aaral ng EARIST-Manila partikular sa kursong Pamamahala ng Negosyo. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng pagkalantad sa false advertising, partikular sa platform ng TikTok Shop (62%) at Shopee (32%). Ang pinaka karaniwang anyo ng panlilinlang ay ang paggamit ng mga mapanlinlang na larawan, maling deskripsyon ng produkto, at pekeng reviews. Ang mga karanasang ito ay nagresulta sa makabuluhang pagbabago ng tiwala sa mga online sellers at e-commerce platforms. Gayunpaman, nagsilbi rin itong instrumento upang maging mas mapanuri ang mga mag-aaral. Sa halip na impulsive buying, mas pinapahalagahan na ngayon ng mga mamimili ang pagbabasa ng mga aktwal na reviews at pagpili sa mga subok na tindahan bago magpasya. Binibigyang-diin ng pag-aaral na ang etikal na marketing at transparency ay kritikal para sa mga negosyante. Inirerekomenda ng pananaliksik ang pagkakaroon ng mas mahigpit na regulasyon mula sa mga platform at pamahalaan, gayundin ang patuloy na edukasyon para sa mga mamimili upang protektahan ang kanilang karapatan sa gitna ng lumalawak na digital na ekonomiya.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page