top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Etnograpikong Pag-aaral sa Paghahabi Gamit ang Alahiwan: Preserbasyon ng Kultura at Wika

Academic Frontiers, 2(5), 293-305, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Espejon, M. E. B., & Ciruela, D. M. A. (2026). Etnograpikong Pag-aaral sa Paghahabi Gamit ang Alahiwan: Preserbasyon ng Kultura at Wika. Academic Frontiers, 2(5), 293–305. https://doi.org/10.5281/zenodo.20452617

Author(s)

Espejon, Maria Ednalyn B., Ciruela, Denzel Mark A.

Abstract

Ang pag-aaral na Buhay na Pamana: Etnograpikong Pag-aaral sa Katutubong Kaalaman sa Paghahabi gamit ang Alahiwan ay nakatuon sa tradisyon ng paghahabi sa Munisipalidad ng Pilar, Surigao del Norte, partikular sa paggamit ng Alahiwan (water hyacinth) bilang pangunahing materyal sa paggawa ng banig o pitati. Inangkla sa Teorya ng Cultural Sustainability nina Martinez at Palma at sa Teorya ng Leksikograpiya ni Hartmann, layunin ng pananaliksik na maidokumento ang mga uri, kagamitan, at proseso ng paghahabi, gayundin ang mga kultural at historikal na simbolismo na nakapaloob sa bawat kulay at disenyo. Sa pamamagitan ng metodolohiyang etnograpiya, ginamit ang malalimang obserbasyon, panayam, at cultural mapping upang matukoy ang mga leksikal na terminolohiya sa paghahabi at masuri ang kanilang morpolohikal na katangian. Ipinakita ng mga natuklasan na ang paghahabi ay higit pa sa isang kabuhayan; ito ay nagsisilbing imbakan ng kolektibong alaala, ekolohikal na kamalayan, at kultural na pagkakakilanlan. Ang tradisyon ng Alahiwan weaving ay sumasalamin sa sustenableng paggamit ng lokal na yaman at sa matibay na ugnayan ng tao sa kalikasan. Gayunpaman, nahaharap ito sa mga hamon gaya ng pagbaba ng interes ng kabataan, kompetisyon mula sa mga produktong mass-produced, at unti-unting pagkawala ng kaalaman sa paglipat ng henerasyon. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang pangangailangan ng multidimensiyonal na estratehiya tulad ng intergenerational workshops, digital archiving, at suporta mula sa pamahalaan at institusyong pang-edukasyon upang mapanatili ang tradisyon. Bilang ambag, iminungkahi ng pananaliksik ang pagbuo ng komprehensibong glosaryo ng mga terminolohiya sa paghahabi at multimedia outputs gaya ng infographics at promotional videos. Sa ganitong paraan, naipapakita ang kahalagahan ng pagsasanib ng tradisyonal na kaalaman at makabagong teknolohiya upang mapreserba at mapalaganap ang kulturang Siargaonon, na mahalaga sa pagpapanatili ng pamana at sa sustenableng pag-unlad ng komunidad.

Keywords

Alahiwan weaving, Etnograpiya, Cultural sustainability, Katutubong kaalaman, Leksikograpiya

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page