top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Gamification sa Pagtuturo ng mga Asignatura sa Filipino na may Kaugnayan sa Kasaysayan at Kulturang Pilipino sa SHS: Batayan sa Pagbuo ng Wakelet Curation Site

Academic Frontiers, 2(6), 264-276, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Rivera, K. S. D., & Reyes, C. B. (2026). Gamification sa Pagtuturo ng mga Asignatura sa Filipino na may Kaugnayan sa Kasaysayan at Kulturang Pilipino sa SHS: Batayan sa Pagbuo ng Wakelet Curation Site. Academic Frontiers, 2(6), 264–276. https://doi.org/10.5281/zenodo.20774325

Author(s)

Rivera, Kyla Shane D., Reyes, Casimiro B.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng gamified learning gamit ang Wayground sa pagkatuto ng kasaysayan at kulturang Pilipino sa Senior High School. Tinutugunan nito ang suliranin sa pagpapanatili ng interes, motibasyon, at aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa klase. Gumamit ang mananaliksik ng explanatory sequential approach. Sinuri ang datos sa pamamagitan ng pagsusulit, observation checklist, sarbey, at pangkatang panayam. Lumahok ang 266 na mag-aaral na tinukoy gamit ang Cochran’s formula. Inihambing ang tradisyunal at gamified na pamamaraan upang matukoy ang kanilang epekto sa pagkatuto at kasanayan ng mga mag-aaral. Ipinakita ng resulta na mas mataas ang antas ng pagkatuto sa gamified na pamamaraan kumpara sa tradisyunal na pagtuturo. Tumaas din ang motibasyon, kolaborasyon, at partisipasyon ng mga mag-aaral. Nakatulong ang Wayground sa pagpapadali ng pamamahala sa klase, pagpapataas ng engagement, at pagpapalinaw ng aralin. Bagama’t walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayan at paggamit ng gamified apps, ipinakita ng pananaw ng mga mag-aaral ang positibong epekto nito sa kanilang pagkatuto. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral ang potensyal ng gamified learning bilang isang makabagong estratehiya sa pagtuturo ng kasaysayan at kulturang Pilipino na nagpapataas ng motibasyon, partisipasyon, at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Keywords

gamified learning, Wayground, kasaysayan at kulturang Pilipino, pagkatuto, motibasyon, partisipasyon, kolaborasyon, Senior High School, engagement, estratehiya sa pagtuturo

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page