top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Iba't Ibang Kwento ng Fear of Missing Out (FoMO) sa Digital na Karanasan

Academic Frontiers, 2(5), 284-292, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Lofranco, K. J. M., & Escultor, G. R. (2026). Iba't Ibang Kwento ng Fear of Missing Out (FoMO) sa Digital na Karanasan. Academic Frontiers, 2(5), 284–292. https://doi.org/10.5281/zenodo.20449386

Author(s)

Lofranco, Krisha Jane M., Escultor, Gemma R.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa Fear of Missing Out (FoMO) sa digital na karanasan ng mga kabataang Pilipino sa Bacuag, Surigao del Norte, at sa pagbuo ng kontekstuwalisadong maikling kuwentong maaaring gamiting kagamitang panturo. Gumamit ito ng mixed-method research design kung saan nagsagawa ng semi-structured interview sa limang respondanteng may karanasan sa FoMO gamit ang online snowball sampling. Sinuri ang mga nakalap na salaysay gamit ang thematic analysis upang matukoy ang mga pangunahing temang may kaugnayan sa FoMO. Ipinakita ng resulta na ang FoMO ay nagdudulot ng pressure, insecurity, pagdududa sa sarili, identity crisis, at pag-iwas sa realidad dulot ng social media. Lumitaw ang apat na pangunahing tema: pang-emosyonal, pampersonal, pangsosyal na hamon, at social media pressure. Mula rito, nabuo ang kuwentong “Buhay sa Screen” na napatunayang epektibo at mataas ang kalidad bilang kagamitang panturo para sa mga mag-aaral sa Baitang 7.

Keywords

Fear of Missing Out, Social Media, Digital Well-being

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page