top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

KONTEKSTONG GAMIT NG EMOJI SA SOCIAL MEDIA

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 38-47, ISSN: 3082-4400, 2025.

Recommended Citation:

PUNDATO, I. B. (2025). KONTEKSTONG GAMIT NG EMOJI SA SOCIAL MEDIA. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(6), 38–47. https://doi.org/10.5281/zenodo.17385276

Author(s)

Pundato, Ibrahim B.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang kontekstong gamit ng emoji sa komunikasyon sa social media, partikular sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasang Mindanao. Layunin ng pag-aaral na sagutin ang mga sumusunod na tanong: Ano ang mga uri ng emoji at ang kahulugan nito sa komunikasyon? Ano ang kontekstong gamit ng emoji sa social media? Ano ang mga emoji na kadalasang ginagamit sa social media? At ano ang mga implikasyon ng emoji sa komunikasyon? Gumamit ang mananaliksik ng pamaraang deskriptibo sa pangangalap ng datos mula sa mga mag-aaral at mga aktwal na halimbawa ng pag-uusap sa social media. Lumabas sa mga resulta na ang smiley emoji ay ang pinakakaraniwang ginagamit dahil sa kakayahan nitong maipahayag ang emosyon ng gumagamit at magdagdag ng di-berbal na komunikasyon sa digital na diskurso. Ang pag-aaral ay nagpapatunay na ang emoji ay isang mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag ng ideya at damdamin sa digital na mundo, na tumutulong sa mas malinaw at mas mabilis na komunikasyon. Ang paggamit ng emoji ay nagpapalawak at nagpapalalim ng kahulugan ng mga mensaheng ipinapadala sa social media. Ang mga resulta ng pag-aaral ay may malaking implikasyon sa pagsusuri ng mga modernong aspeto ng komunikasyon sa digital na panahon.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page