top of page
Published in

Academic Frontiers
Kontekstwal na Pagdalumat sa mga Kuwentong-Bayan ng Munisipalidad ng Dapa, Isla ng Siargao
Academic Frontiers, 2(5), 158-172, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Solis, A. R. U., & Serdan, G. A. (2026). Kontekstwal na Pagdalumat sa mga Kuwentong-Bayan ng Munisipalidad ng Dapa, Isla ng Siargao. Academic Frontiers, 2(5), 158–172. https://doi.org/10.5281/zenodo.20344807
Author(s)
Solis, Angel Rose U., Serdan, Geraldine A.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagkalap, pagdodokumento, pagsusuri, at kontekstwalisadong pagdalumat ng mga kuwentong-bayan sa Munisipalidad ng Dapa, Isla ng Siargao bilang batayan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo sa Filipino 7. Tinugunan nito ang mga suliranin sa kuwentong-bayan, mga elementong pampanitikan (tema, simbolismo, at balyung kultural), ambag ng kontekstwalisadong pagdalumat sa pagkatuto ng mga mag-aaral, at pagbuo ng karagdagang kagamitang panturo. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibo-deskriptibong disenyo. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng talatanungan at panayam sa mga piling impormanteng may edad limampu pataas mula sa labing-anim na barangay ng Dapa. Isinailalim ang mga datos sa tematikong pagsusuri at expert validation upang matiyak ang kredibilidad ng interpretasyon. Natuklasan sa pag-aaral na may apat na alamat, tatlong kuwentong kababalaghan, dalawang kuwentong pakikipagsapalaran, at dalawang parabula na sumasalamin sa kultura, tradisyon, at paniniwala ng komunidad. Lumitaw sa pagsusuri ang mga temang may kaugnayan sa pagkakaisa, pananampalataya, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapahalaga sa kabuhayan. Ipinakita rin ng mga simbolismo at balyung kultural ang matibay na identidad at kamalayang kultural ng mga mamamayan. Sa kabuoan, napatunayang mahalaga ang mga kuwentong-bayan bilang batayan sa pagbuo ng kontekstuwalisadong modyul at supplementary materials na nakaangkla sa MELCs ng Filipino 7.
Keywords
Edukasyon, kuwentong-bayan, kontekstwalisadong pagdalumat, kompetensi, kwalitatibo, deskriptibo, supplementary, Pilipinas
bottom of page
