top of page
Published in

Academic Frontiers
Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(7), 28-42, ISSN: 3082-4400, 2025.
Recommended Citation:
Ypon, J. B. (2025). Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 1(7), 28–42. https://doi.org/10.5281/zenodo.17681819
Author(s)
Ypon, Jimmy B.
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon sa pagtuturo. Ginamit ang deskriptibong–korrelasyunal na disenyo ng pananaliksik upang masukat ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto at ng akademik na performans ng mga mag-aaral, gayundin ang lawak ng mga suliraning kinaharap ng mga guro sa pagpapatupad ng differentiated instruksyon. Kalahok sa pag-aaral ang mga piling mag-aaral at guro sa sekondarya ng [pangalan ng paaralan], na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Gumamit ng talatanungan upang makuha ang datos ukol sa pakikilahok, kasanayan, interes, at oportunidad ng mga mag-aaral, pati na rin sa bilang ng mga mag-aaral, pamamahala sa silid-aralan, at mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang mean, weighted mean, at Pearson r. Ipinakita ng resulta na nasa mataas na antas ang lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng differentiated instruksyon, samantalang katamtaman lamang ang lawak ng mga suliraning nararanasan ng mga guro. Lumitaw din na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto at ng akademik na performans ng mga mag-aaral, subalit walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng lawak ng suliranin ng mga guro at ng akademik na performans ng mga mag-aaral. Batay sa mga natuklasan, mabisang estratehiya ang differentiated instruksyon upang mapaunlad ang kasanayan, interes, at partisipasyon ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ng pag-aaral ang patuloy na pagsasanay sa mga guro at ang pagsasama ng differentiated instruksyon sa kurikulum bilang hakbang sa pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.
bottom of page


