top of page
Published in

Academic Frontiers
MATATAG Kurikulum: Obserbasyon ng mga Guro sa Pilot na Implementasyon sa Dibisyon ng Siargao
Academic Frontiers, 2(5), 57-70, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Ytac, V. V., & Escultor, G. R. (2026). MATATAG Kurikulum: Obserbasyon ng mga Guro sa Pilot na Implementasyon sa Dibisyon ng Siargao. Academic Frontiers, 2(5), 57–70. https://doi.org/10.5281/zenodo.20162782
Author(s)
Ytac et al.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga obserbasyon at karanasan ng mga guro sa pilot na implementasyon ng MATATAG Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon sa Paaralang Dibisyon ng Siargao. Tinutukoy nito ang antas ng pagkatugma ng implementasyon batay sa kurikulum, pamamaraan ng pagtuturo, at pag-aangkop ng kurikulum, gayundin ang mga hamon at implikasyon nito sa patuloy na pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon. Gumamit ang pananaliksik ng mixed methods design, na pinagsasama ang kwantitatibong deskriptibong sarbey at kwalitatibong phenomenolohikal na panayam. Ang mga respondente ay binubuo ng 250 guro mula Kindergarten, Baitang 1–5, at Baitang 7–8 na kabilang sa pilot implementation ng MATATAG Kurikulum. Ipinakita ng resulta ng kwantitatibong pagsusuri na mataas at positibo ang obserbasyon ng mga guro sa lahat ng aspeto ng implementasyon, na may verbal interpretation na Sumasang-ayon nang Lubos at qualitative description na Highly Observed. Bahagyang mas mataas ang mean scores ng mga guro sa elementarya kumpara sa mataas na paaralan. Sa kwalitatibong datos, lumitaw ang mga temang: mas malinaw at decongested na kurikulum, mas organisado at learner-centered na pagtuturo, pagkakaiba-iba ng kakayahan ng mga mag-aaral, kakulangan sa learning resources, at pangangailangan ng patuloy na pagsasanay at suporta sa mga guro. Natuklasan din na may makabuluhang kaibahan sa obserbasyon ng mga guro sa aspeto ng kurikulum, ngunit walang makabuluhang kaibahan sa pamamaraan ng pagtuturo at pag-aangkop ng kurikulum. Bilang kongklusyon, epektibo ang implementasyon ng MATATAG Kurikulum sa Division of Siargao; gayunpaman, kinakailangan ang sapat na learning resources, tuloy-tuloy na professional development, at mas konkretong suporta upang higit pang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.
Keywords
Matatag Kurikulum, Pilot Implementation, Obserbasyon ng Guro, Mixed Methods, Phenomenological Study, Kurikulum, Pamamaraan ng Pagtuturo, Learning Resources, Professional Development, Dibisyon ng Siargao
bottom of page
