top of page
Published in

Academic Frontiers
Morpolohikal na Baryasyon ng Wika sa Bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte at Alegria, Surigao del Norte: Isang Pagsusuri ng mga Cognates
Academic Frontiers, 2(5), 173-187, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Sila, M. E., & Serdan, G. A. (2026). Morpolohikal na Baryasyon ng Wika sa Bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte at Alegria, Surigao del Norte: Isang Pagsusuri ng mga Cognates. Academic Frontiers, 2(5), 173–187. https://doi.org/10.5281/zenodo.20398320
Author(s)
Sila, Marjun E., Serdan, Geraldine A.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang leksikostatistikong pagsusuri sa mga wika ng Kitcharao, Agusan del Norte at Alegria, Surigao del Norte gamit ang kwalitatibong disenyo at deskriptibong pamamaraang lingguwistika. Isinagawa ito upang matugunan ang kakulangan ng mga lingguwistikong pag-aaral sa rehiyon ng Caraga hinggil sa morpolohikal na baryasyon at ugnayan ng mga lokal na wika. Ginamit ang 200-wordlist ni Morris Swadesh at nakalap ang datos mula sa animnapu’t siyam (69) na impormante sa dalawampu’t tatlong (23) barangay. Batay sa pagsusuri, ang lexical similarity ng mga barangay ay nasa pagitan ng 37% hanggang 87% cognate percentage, kung saan ang 81%–100% ay itinuturing na mga diyalekto ng iisang wika at ang 36%–80% naman ay kabilang sa “Language of a Family.” Sinuri rin ang morpolohikal na baryasyon gamit ang mga mapa ng Isogloss. Mula sa animnapung (60) salitang hango sa Swadesh wordlist, nakapagtala ng dalawang daan at labintatlong (213) lokal na baryasyong salin, kung saan isang daan at walumpu’t anim (186) ang cognates at dalawampu’t pito (27) ang non-cognates. Lumitaw sa pagsusuri ang mga prosesong morpoponemiko tulad ng pagpapalit-ponema, asimilasyon, pagkakaltas, pagdaragdag ng ponema, paglilipat-diin, at reduplikasyon. Lumitaw din ang Cebuano bilang pangunahing wika sa dalawang bayan, kasunod ang Surigaonon, Butuanon, at Boholano. Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na bagaman nagkakaroon ng ebolusyong lingguwistiko ang mga wika sa Kitcharao at Alegria, nananatiling matatag ang kanilang ugnayang lingguwistiko at kaligirang pangkultura.
Keywords
Leksikostatistika, Isogloss, Baryasyong Morpolohikal, Pangunahing Wika, Language Map, Alegria, Kitcharao
bottom of page
