top of page
Published in

Academic Frontiers
Mula Gen Z Hanggang Alpha: Isang Pagsusuri sa mga Register ng Korpus ng Filipino sa Pagbuo ng Diksyunaryong Bilinggwal
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(3), 80-91, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Capellan, K. J. V. (2026). Mula Gen Z Hanggang Alpha: Isang Pagsusuri sa mga Register ng Korpus ng Filipino sa Pagbuo ng Diksyunaryong Bilinggwal. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(3), 80–91. https://doi.org/10.5281/zenodo.19159706
Author(s)
Capellan, Katleen Joy V.
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang mabilis na pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-analisa sa mga register ng korpus na ginagamit ng mga henerasyong Gen Z at Gen Alpha. Sa gitna ng mabilis na digitalisasyon at globalisasyon, umuusbong ang mga bagong anyo ng pananalita na nagpapakita ng kakaibang katangian ng sosyolek at idyolek ng mga kabataan sa kasalukuyan. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibong pamamaraan at corpus linguistics upang matukoy ang mga madalas gamiting register ng Gen Z at Alpha. Sa pamamagitan ng talatanungang binalido ng tagapayo at ng mga miyembro ng lupon ng tagasuri, isinagawa ang interbyu sa labing-apat na mag-aaral na kabilang sa hanay ng Gen Z at Alpha. Pagkatapos magsagawa ng interbyu, ginamit ng risertser ang thematic analysis sa pag-aanalisa ng mga nakalap na mga datos. Ginamit ang Critical Discourse Analysis bilang metodo sa pag-aaral. Mula sa nakalap na datos mula sa aktwal na pakikipanayam at pakikipagtalastasan, sinuri ang mga morpolohikal at semantikong katangian ng mga salita. Ang mga natukoy na register ay nagsilbing batayan sa pagbuo ng isang diksyunaryong bilinggwal (Filipino-Ingles) upang maging lunsaran at kagamitang pampagtuturo at tulay sa pagitan ng iba’t ibang henerasyon at magsilbing dokumentasyon ng buhay na wika. Inaasahan na ang awtput ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro, lingguwista, at mga tagasalin sa pag-unawa sa makabagong diskurso ng mga kabataang Pilipino.
Mga Susing Salita: Gen Z at Alpha Registers, Diksyunaryong Bilinggwal, Korpus ng Filipino
bottom of page
