top of page
Published in

Academic Frontiers
Pagdalumat sa Kabisaan at Kahinaan ng Talumpati sa Panahon ng "Kayo Ang Boss Ko": Gabay sa Pagsulat ng Diskursong Patalumpati
Academic Frontiers, 2(8), 16-25, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Bibiano, M. A. M. (2026). Pagdalumat sa Kabisaan at Kahinaan ng Talumpati sa Panahon ng "Kayo Ang Boss Ko": Gabay sa Pagsulat ng Diskursong Patalumpati. Academic Frontiers, 2(8), 16–25. https://doi.org/10.5281/zenodo.22157952
Author(s)
Bibiano, Mharlon Arjay M.
Abstract
Bagama’t may mga naunang pagsusuri sa mga pampolitikang talumpati, limitado ang mga pag-aaral na tumitingin sa mga kalakasan at limitasyon ng talumpati bilang diskurso gamit ang magkakaugnay na dimensiyon ng nilalaman, estilo, balangkas, at aspektong pisikal. Layunin ng pag-aaral na ito na pagdalumatin ang kabisaan at kahinaan ng talumpati bilang diskurso sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at makabuo ng gabay sa pagsulat ng diskursong patalumpati. Sinuri sa pag-aaral ang anim na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino mula 2010 hanggang 2015 batay sa apat na pangunahing dimensiyon ng talumpati: nilalaman, estilo, balangkas, at aspektong pisikal. Gumamit ang pananaliksik ng descriptive survey research design na may pamamaraang kuwantitatibo. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binubuo ng dalawampung (20) lider-mag-aaral at dalawampung (20) punong-guro mula sa mga piling pampubliko at pribadong paaralang pansekundarya sa Unang Distrito ng Lalawigan ng Rizal. Gumamit ng talatanungan bilang pangunahing instrumento, habang ang weighted mean at independent t-test ang ginamit sa pagsusuri ng datos. Batay sa resulta, natuklasang lubhang malinaw ang persepsiyon ng mga kalahok sa nilalaman, estilo, balangkas, at aspektong pisikal ng mga talumpati ni Pangulong Aquino. Gayunpaman, lumitaw ang makabuluhang pagkakaiba sa persepsiyon ng mga lider-mag-aaral at punong-guro ayon sa nilalaman, estilo, at balangkas, samantalang walang makabuluhang pagkakaiba sa aspektong pisikal. Ipinakita ng mga natuklasan na ang isang mabisa at epektibong diskursong patalumpati ay nangangailangan ng malinaw na nilalaman, angkop na estilo, organisadong balangkas, at maayos na paghahatid ng mensahe. Batay rito, nakabuo ang pag-aaral ng mungkahing balangkas na maaaring magsilbing gabay sa pagsulat ng mga talumpati, lalo na para sa mga mag-aaral at mga lider sa sektor ng edukasyon.
Keywords
Diskurso, Pagsulat, Retorika, State of the Nation Address, Talumpati
bottom of page
