top of page
Published in

Academic Frontiers
Panitikang Oral ng mga Mamanwa sa Bayan ng Malimono: Isang Dokumentasyon na Pag-aaral
Academic Frontiers, 2(5), 306-320, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Aquino, I. L., & Bonotan, R. N. (2026). Panitikang Oral ng mga Mamanwa sa Bayan ng Malimono: Isang Dokumentasyon na Pag-aaral. Academic Frontiers, 2(5), 306–320. https://doi.org/10.5281/zenodo.20453429
Author(s)
Aquino, Ife L., Bonotan, Rinalyn N.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong madokumento at masuri ang kolektibong panitikang pasalita ng Tribong Mamanwa sa Barangay Binocaran, Malimono, Surigao del Norte upang maunawaan ang mga anyo, simbolismo, kultural na pagpapahalaga, Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), at ang papel nito sa pagpapanatili ng kanilang kultural na identidad. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng thematic analysis upang masuri ang mga datos na nakalap mula sa labintatlong (13) kalahok na kabilang sa komunidad. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng harapang panayam (face-to-face interview) na may gabay na panayam at naitala gamit ang audio recorder. Ang mga nakuhang datos ay isinailalim sa transkripsyon, pagsasalin, at paglalagay ng kodigo upang matukoy ang mga umuusbong na tema. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang panitikang pasalita ng Mamanwa ay binubuo ng iba’t ibang anyo tulad ng awit, sugilanon, ritwal, at praktikal na gawain na nagsisilbing daluyan ng kaalaman at karanasan. Natuklasan din na ang kanilang panitikan ay mayaman sa simbolismo na nakabatay sa kalikasan, hayop, at espiritwal na paniniwala. Ipinakita rin na ang panitikan ay naglalaman ng mahahalagang kultural na pagpapahalaga tulad ng paggalang sa nakatatanda, sipag, pagiging mapagbigay, at paniniwalang espiritwal. Higit pa rito, ang panitikan ay nagsisilbing imbakan ng IKSP, kabilang ang tradisyunal na medisina, agrikultura, at pangangaso. Gayunpaman, nahaharap ang panitikang ito sa hamon ng modernisasyon at kakulangan ng interes ng kabataan, na nagdudulot ng unti-unting pagkawala ng ilang tradisyunal na kaalaman. Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang kolektibong panitikang pasalita ng Tribong Mamanwa ay isang mahalagang bahagi ng kanilang kultura at identidad, na nagsisilbing tulay sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Inirerekomenda ang patuloy na dokumentasyon, integrasyon nito sa edukasyon, at aktibong pagpapasa ng kaalaman upang mapanatili ang kanilang panitikan sa susunod na henerasyon.
Keywords
Panitikang Pasalita, Tribong Mamanwa, Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), Kultural na Identidad
bottom of page
