top of page
Published in

Academic Frontiers
Panultihong Sinurigao: Pagbuhay sa mga Karunungang-Bayan sa Surigao
Academic Frontiers, 2(4), 114-130, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Longos, J. R., & Escultor, G. R. (2026). Panultihong Sinurigao: Pagbuhay sa mga Karunungang-Bayan sa Surigao. Academic Frontiers, 2(4), 114–130. https://doi.org/10.5281/zenodo.20024464
Author(s)
Longos et al.
Abstract
Ang mga karunungang-bayan ay mahalagang bahagi ng pamanang kultural ng isang pamayanan, ito’y naglalaman ng mga aral, paniniwala, at pagpapahalagang naipapasa sa iba’t ibang henerasyon. Gayunman, sa paglipas ng panahon at sa impluwensiya ng modernisasyon, unti-unting nalilimutan ang mga tradisyunal na pahayag na ito kung hindi maisasagawa ang sistematikong dokumentasyon at pagsusuri. Kaugnay nito, layunin ng pag-aaral na ito na tipunin, suriin, at pahalagahan ang mga ginamit na karunungang-bayan sa lungsod ng Surigao, partikular ang mga sawikain, salawikain at kasabihan na ginagamit ng mga Surigaonon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Gumamit ang pananaliksik ng disenyong kwalitatibo kung saan nakalap ang mga datos sa pamamagitan ng panayam sa mga piling kalahok mula sa komunidad. Isinagawa ang tematikong pagsusuri upang matukoy ang mga kahulugan, balyung kultural at pangunahing tema na nakapaloob sa mga pahayag. Sistematikong iniugnay rin ang mga nakalap na panultihon sa mga kompetensti ng DepEd partikular na sa Baitang 8 ng asignaturang Filipino. Lumabas sa pag-aaral na ang mga karunungang-bayan ay ginamit bilang pagpapahalaga sa kanilang karanasan, pananaw, pakikipag-ugnayan, at nagsisilbing gabay sa paghubog ng pag-uugali at pananaw sa buhay ng mga Surigaonon. Bukod dito, magagamit bilang mabisa na estratehiya sa pagpapalalawak ng pagkatuto at paglinang sa pagpapahalagang kultural ang integrasyon ng mga karunungang-bayan sa sistema ng pagtuturo ng Filipino sa Baitang 8 sa pamamagitan ng modyul. Nagsisilbi rin itong instrumento sa pagpapanatili ng kulturang Surigaonon.
Keywords
Karunungang-bayan, Pamanang Kultural, Sistematikong Dokumentasyon, Salawikain, Sawikain, Kasabihan
bottom of page
