top of page
Published in

Academic Frontiers
Tinig sa Isla: Pag-aaral sa Koleksyong Pampanitikan ng Bucas Grande Island
Academic Frontiers, 2(5), 188-204, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Dano, C. J., & Bonotan, R. N. (2026). Tinig sa Isla: Pag-aaral sa Koleksyong Pampanitikan ng Bucas Grande Island. Academic Frontiers, 2(5), 188–204. https://doi.org/10.5281/zenodo.20403531
Author(s)
Dano, Charmaine J., Bonotan, Rinalyn N.
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makolekta at masuri ang mga panitikang pasalita sa isang komunidad sa Isla ng Bucas Grande upang matukoy ang potensyal nito bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng panitikan sa antas elementarya. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo na nakatuon sa malalim na pag-unawa sa mga salaysay at karanasang kultural ng mga kalahok. Isinagawa ang pag-aaral sa mga barangay ng Socorro, kung saan ang mga impormante ay binubuo ng mga katutubong residente na may edad animnapung (60) taon pataas at may hindi bababa sa sampung (10) taong paninirahan sa lugar. Lumitaw sa mga natuklasan na ang panitikang pasalita ay pangunahing binubuo ng mga kuwentong-bayan at alamat na naglalarawan ng pinagmulan ng lugar, kalikasan, kalamidad, paniniwala, at pang-araw-araw na pamumuhay ng komunidad. Ipinakita rin ng mga salaysay ang malalim na pagkakaugat ng kultura sa pamumuhay ng mga mamamayan, kung saan nangingibabaw ang mga pagpapahalagang bayanihan, paggalang sa nakatatanda, at katatagan sa harap ng mga pagsubok. Bukod dito, ang mga salaysay ay nagsisilbing tagapagdala ng kolektibong alaala at mahalagang batayan ng kultural na identidad ng komunidad. Sa kabuuan, ang panitikang pasalita ay itinuturing na mahalagang yamang kultural na nararapat pangalagaan, idokumento, at isama sa proseso ng pagtuturo upang mapalalim ang pag-unawa sa lokal na kultura at pagkakakilanlan.
Keywords
Panitikang Pasalita, Kuwentong-Bayan, Alamat, Kulturang Lokal, Socorro, Bucas Grande
bottom of page
