top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Translanguaging: Kalagayang Pangwika sa Multilinggwal na Klasrum ng Kolehiyo ng Initao, Misamis Oriental

Academic Frontiers, 2(5), 395-421, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Robenta, S. L. A. (2026). Translanguaging: Kalagayang Pangwika sa Multilinggwal na Klasrum ng Kolehiyo ng Initao, Misamis Oriental. Academic Frontiers, 2(5), 395–421. https://doi.org/10.5281/zenodo.20527723

Author(s)

Robenta, Sara Lin A.

Abstract

Upang masuri ang kaganapang Translanguaging sa isang multilinggwal na klasrum ng Initao College, nilayon ng pag-aaral na makuha ang wika mula sa W1 at W2 ng mga respondente, sitwasyong pangwika at ang speech community na inilalarawan nito. Ginamit ng mananaliksik ang disenyong kwalitatibo at kwantitabo sa pag-aanalisa ng mga datos na nagmula sa sarbey- talatanungan at sa transkripsyon mula sa audio-record ng isang aktwal na klase. Bilang resulta, lumitaw sa pag-aaral na naging epektibong kasangkapan ang Translanguaging para sa mga respondente sa pag-uunawa sa talakayan ng klase. Bukod pa rito, nakapagbuo ng isang malaking espasyo ang Translanguaging upang maging komportable ang mga estudyante sa paglalahad ng kanilang mga ideya sa mga paksang tinatalakay sa loob ng klasrum. Bagaman may polisiyang pangwika ang kolehiyo na gamitin ang Ingles bilang midyum, lumabas sa mga resulta ng datos na mas mainam at kailangan ikonsidera ang paggamit ng dalawa o higit pang wika upang matugunan ang pangangailangan sa loob ng klasrum. Samakatuwid, ang lumitaw na pangangasiwang pangwika ng mga fakulti ay isang malaking halaga sa pagkatuto ng mga estudyante. Mula sa mga positibong datos na nakuha, binigyan konsiderasyon ng mananaliksik ang pagsulong ng paggamit ng Translanguaging sa multilinggwal na klasrum sapagkat nakapagbibigay ito ng koneksyon sa bawat estudyante at fakulti na nagmula sa iba’t ibang kultura. Hindi lamang sa loob ng kolehiyo, kundi pati na rin sa komunidad na kinabibilangan.

Keywords

translanguaging, sitwasyong pangwika, multilinggwal na klasrum, preferensyang wika, pangangasiwang pangwika

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page