top of page
Published in

Academic Frontiers
Akademik Performans sa Panitikan at Balarila ng Mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9
Academic Frontiers, 2(5), 129-135, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Fulo, C. D. (2026). Akademik Performans sa Panitikan at Balarila ng Mag-aaral sa Filipino sa Baitang 9. Academic Frontiers, 2(5), 129–135. https://doi.org/10.5281/zenodo.20268115
Author(s)
Fulo et al.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglayong alamin ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino, Baitang 9 sa Lungsod ng Masbate, sa asignaturang Panitikan at Balarila sa taong panuruan 2023-2024, sa gitna ng distance learning na dulot ng pandemya. Tinukoy ang mga suliranin sa mababang antas ng pagkatuto at kakulangan sa gabay ng guro at magulang, na maaaring makaapekto sa mastery ng mag-aaral. Ginamit ang deskriptib-analitikal na disenyo, purposive sampling sa 150 kalahok mula sa tatlong pampublikong paaralan, at dalawang pangunahing instrumento: pagsusulit at talatanungan. Ang pagsusuri ng datos ay isinagawa gamit ang T-test, mean, at bilang ng mga sagot upang masukat ang antas ng akademikong performans at matukoy ang pagkakaiba ng Panitikan at Balarila. Ipinakita ng resulta na ang kabuuang mean sa Panitikan ay 6.36 (Mahusay), na may mataas na antas sa Impormatibo at Kritikal ngunit mababa sa Ebalwatibo, samantalang ang Balarila ay may kabuuang mean na 3.42 (Di-gaanong Mahusay), na may pinakamababang score sa Ebalwatibo. Ang T-test ay nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba sa performans ng dalawang varayabol sa lahat ng antas. Batay sa natuklasan, bumuo ang mananaliksik ng Strategic Intervention Material (SIM) bilang output upang mapaunlad ang mababang kompetensi sa Filipino at mapataas ang mastery level sa Panitikan at Balarila. Ipinapakita ng pag-aaral ang pangangailangan ng interaktibong materyal at integrasyon ng ICT upang suportahan ang epektibong distance learning.
Keywords
Akademikong Performans, Balarila, Filipino, Panitikan, Strategic Intervention Material
bottom of page
