top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Ang Neolohismo sa Social Media Partikular sa Tiktok

Academic Frontiers, 2(6), 394-410, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Bagayan, N. L. (2026). Ang Neolohismo sa Social Media Partikular sa Tiktok. Academic Frontiers, 2(6), 394–410. https://doi.org/10.5281/zenodo.21082323

Author(s)

Bagayan, Norhaipah L

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga neolohismong salita sa social media partikular sa TikTok, na naglalayong suriin ang mga salitang umuusbong sa digital na komunikasyon, ang paraan ng kanilang pagbuo, ang estruktura ng mga ito, at ang ambag nito sa wikang Filipino. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong pamamaraang pagsusuri sa mga datos na nakalap mula sa TikTok. Natukoy ang mahigit isandaan (108) na neolohismong salita na inuri ayon sa walong (8) estruktura ng pagbuo ng salita: neologism, pagdaragdag ng salita, kombinasyon, paggamit ng banyagang wika, akronim, pagdadaglat, pagdurugtong, at pagbabaliktad. Lumabas sa resulta na nangingibabaw ang paggamit ng banyagang wika at code-mixing, na nagpapakita ng malakas na impluwensiya ng globalisasyon sa kasalukuyang paggamit ng wikang Filipino sa social media. Ipinapakita rin ng pag-aaral na ang mga neolohismo ay nagsisilbing midyum ng ekspresyon, identidad, at pakikisalamuha ng mga gumagamit sa digital na espasyo. Ang TikTok ay nagsisilbing makabagong larangan ng pag-unlad ng wika kung saan patuloy na umuusbong at nagbabago ang bokabularyong Filipino.

Keywords

Neolohismo, TikTok, wikang Filipino, social media, code-mixing, lingguwistikong pagbabago

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page