top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Bisa ng Paggamit ng Core Thinking Routines sa Pagkatuto ng Piling Panitikan sa Panahon ng Katutubo sa Filipino 7

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(4), 59-72, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Urgelles, J. M. A. (2026). Bisa ng Paggamit ng Core Thinking Routines sa Pagkatuto ng Piling Panitikan sa Panahon ng Katutubo sa Filipino 7. Academic Frontiers, 2(4), 59–72. https://doi.org/10.5281/zenodo.19847914

Author(s)

Urgelles, Joy Margarett A.

Abstract

Ang panitikan ay kasangkapan sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan. Instrumento rin ito para makilala ang kultura at tradisyon ng isang lipunan. Ngunit may mga hamon ang mga guro sa pagtuturo nito katulad ng mababang antas ng pagkatuto at pag-unawa bunga ng kawalan ng interes, labis na paggamit ng social media at pagdipende sa artificial intelligence. Bilang pagtugon sa suliranin, nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa bisa ng core thinking routines sa pagkatuto ng panitikan. Layunin ng pag-aaral na makapagbigay ng kongkretong batayan at estratehiya na maaaring gamitin ng mga guro upang mapahusay ang pagtuturo ng panitikan sa loob ng silid-aralan. Isinagawa ang pananaliksik sa dalawang pangkat ng mag-aaral. Ang unang pangkat ay tinuruan gamit ang core thinking routines at ang ikalawang pangkat naman ay tinuruan gamit ang tradisyonal na pamamaraan. Pinasagutan ang pretest upang matukoy ang kasalukyang pagkatuto sa panitikan. Tinuruan sila ng apat (4) na linggo gamit ang pamamaraang nakatakda sa kanilang pangkat. Pagkatapos, pinasagutan ang posttest para makita ang naging pagtaas sa pagkatuto. Para hindi lamang sa iskor masukat ang bisa ng core thinking routines, nagsagawa rin ng panayam sa mga naging kalahok at guro upang mabatid ang kanilang aktwal na karanasan at obserbasyon sa paggamit nito at makuha ang kanilang mga mungkahi para sa higit pang pagpapabuti ng pamamaraan. Matapos ang pangangalap at pagpapakahulugan sa datos, napatunayan na napakalakas ng epekto ng core thinking routines sa pagkatuto ng panitikan kaya mahalaga na palagi itong maisama sa banghay aralin.

Keywords

Panitikan, Core Thinking Routines, Pamamaraan, Banghay-Aralin

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page