top of page
Published in

Academic Frontiers
E-Workbook ng Noli Me Tangere Bilang Lunsaran sa Pagtuturo ng Baitang 9
Academic Frontiers, 2(6), 144-153, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Caballero, Q. J. R., & Bonotan, R. N. (2026). E-Workbook ng Noli Me Tangere Bilang Lunsaran sa Pagtuturo ng Baitang 9. Academic Frontiers, 2(6), 144–153. https://doi.org/10.5281/zenodo.20690080
Author(s)
Caballero, Quennie Jane R., Bonotan, Rinalyn N.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, pagpapaunlad, at pagsusuri ng isang E-Workbook bilang makabagong kagamitang panturo sa pagtuturo ng Noli Me Tangere para sa mga mag-aaral ng Baitang 9 ng Plaridel National High School. Layunin ng pag-aaral na ito na bumuo at suriin ang bisa ng isang E-Workbook sa pagtuturo ng Noli Me Tangere sa Baitang 9 gamit ang ADDIE Model. Gumamit ang pananaliksik ng quasi-experimental one-group time-series design upang masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng implementasyon ng interbensyon. Dalawampu’t tatlong (23) mag-aaral mula sa Plaridel National High School ang napiling respondente sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit sa pangangalap ng datos ang pre-test, post-test, lingguhang pagsusulit, talatanungan, at obserbasyon. Ang datos ay sinuri gamit ang descriptive statistics (mean at standard deviation), Shapiro-Wilk test para sa normality, paired t-test, at Wilcoxon Signed-Rank test upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinakita ng resulta na mula sa mababang antas ng pag-unawa bago ang interbensyon, tumaas ito sa mataas hanggang napakataas na antas matapos gamitin ang E-Workbook. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba sa pagkatuto ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng interbensyon, na may malaking effect size, na nagpapakita ng malakas na epekto ng paggamit ng multimedia sa pagkatuto. Dagdag pa rito, ang ebalwasyon ng mga eksperto at mag-aaral ay nagpakita ng mataas na antas ng bisa ng workbook batay sa nilalaman, disenyo, kaangkupan, at interaktibidad. Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na ang E-Workbook ay isang epektibong kagamitang panturo na nakapagpapataas ng pag-unawa, interes, at partisipasyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Noli Me Tangere. Inirerekomenda ang paggamit at karagdagang pagpapalawak ng ganitong uri ng materyal upang mapabuti ang pagtuturo ng panitikan sa sekundaryang antas.
Keywords
E-Workbook, Noli Me Tangere, ADDIE Model, quasi-experimental design, multimedia learning, digital instructional material, pagkatuto ng mag-aaral, interaktibong pagkatuto, panitikang Filipino, Baitang 9, pagsusuring estadistikal, instructional technology, secondary education, multimedia workbook, pag-unawa sa panitikan
bottom of page
