top of page
Published in

Academic Frontiers
Epekto ng Green Marketing sa Kamalayang Pangkapaligiran ng mga Mag-aaral sa EARIST - Manila na Kumukuha ng Kursong Agham sa Pamamahala ng Negosyo
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 54-61, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Sarmiento, A. J. P., Alano, A. P. S., Egiya, H. J. P., Geronimo, M. F., Merin, S. E., Monog, J. R. C., Ramos, L. A. J., Tamayo, J. P. T., Umangay, K. C., Aquino, R. D., & Billy, M. B. M. (2026). Epekto ng Green Marketing sa Kamalayang Pangkapaligiran ng mga Mag-aaral sa EARIST - Manila na Kumukuha ng Kursong Agham sa Pamamahala ng Negosyo. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 54–61. https://doi.org/10.5281/zenodo.18361389
Author(s)
Sarmiento et al.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang epekto ng green marketing sa antas ng kamalayang pangkapaligiran ng mga mag-aaral sa EARIST–Manila na kumukuha ng kursong Agham sa Pamamahala ng Negosyo, partikular sa larangan ng Marketing Management. Gumamit ang pananaliksik ng quantitative descriptive- correlational na disenyo at stratified random sampling upang makapili ng 100 respondente mula una hanggang ikaapat na taon. Ang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos ay isang binuong talatanungan na may Likert scale, na ginamit upang masukat ang antas ng eksposyur ng mga mag-aaral sa mga aktibidad ng green marketing—makakalikasang produkto, pakete, at promosyon—at ang kanilang antas ng kamalayang pangkapaligiran batay sa kaalaman, pananaw at pag-unawa, at makakalikasang pag-uugali at gawi. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng eksposyur sa green marketing at lubos na mataas na antas ng kamalayang pangkapaligiran. Gayunpaman, batay sa Pearson r correlation, walang natukoy na makabuluhang ugnayan sa pagitan ng green marketing at kamalayang pangkapaligiran. Dagdag pa rito, ipinakita ng One-Way Analysis of Variance (ANOV A) na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kamalayang pangkapaligiran ng mga mag-aaral batay sa kanilang taon sa kurso. Ipinahihiwatig ng mga natuklasan na bagaman lantad ang mga mag-aaral sa green marketing, hindi ito sapat upang ituring na pangunahing salik sa paghubog ng kanilang kamalayang pangkapaligiran.
bottom of page
