top of page
Published in

Academic Frontiers
Hamon ng Gampanin ng Kasarian sa Lipunan- Pananaw ng mga Mag-Aaral sa mga Napapanood na Seksistang Patalastas sa Social Media Platforms
ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 28-33, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Ramirez, J. L., Belarmino, J. A., Famoso, J. A., Casiño, C. J. A., Globio, M. L. M., Manuel, J. L., Mendoza, F. A. V., Miguel, S. M. G., Rabago, M. J. J., Tabujara, F. N., Billy, M. B. M., & Aquino, R. D. (2026). Hamon ng Gampanin ng Kasarian sa Lipunan- Pananaw ng mga Mag-Aaral sa mga Napapanood na Seksistang Patalastas sa Social Media Platforms. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 28–33. https://doi.org/10.5281/zenodo.18333417
Author(s)
Ramirez et al.
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang pananaw ng mga mag-aaral ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) hinggil sa seksistang patalastas sa social media at ang epekto nito sa kanilang pananaw sa kasarian. Ginamit ang kwalitatibong metodolohiya na may disenyong phenomenological, kung saan ang mga datos ay nakalap mula sa dalawampung (20) respondente gamit ang open-ended na talatanungan na ipinamamahagi online. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang mga respondente ay may malalim na pag-unawa sa mga seksistang patalastas at ang epekto ng maling representasyon ng kasarian sa lipunan, lalo na sa kababaihan. Tinutukoy nila ang diskriminasyon at pagbaba ng respeto sa kababaihan na dulot ng tradisyunal na representasyon sa mga patalastas. Gayunpaman, napag-alaman din na hindi ito direktang nakakaapekto sa kanilang pananaw sa kasarian. Ang mga patalastas na nagpapakita ng hindi makatotohanang beauty standards ay may negatibong epekto sa kanilang self-esteem at well-being. Ipinakita rin ng pananaliksik ang normalisasyon ng seksistang patalastas bilang isang estratehiya sa marketing na nakabatay sa kita at atensyon. Bagamat may mga isyu sa representasyon, naniniwala ang mga respondente na may mahalagang papel ang mga patalastas sa pagpapalaganap ng gender equality. Sa kabila ng mga negatibong epekto ng seksismo, itinuturing ng mga respondente ang mga patalastas bilang isang instrumento ng edukasyon sa gender sensitivity. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang representasyon sa mga patalastas upang maiwasan ang maling pagtingin sa mga kasarian. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagpapakita ng pangangailangan ng mas malawak na kampanya ukol sa gender equality sa mga platform ng social media. Dapat ipagpatuloy ang pag-promote ng mga patalastas na nagtataguyod ng respeto at pagkakapantay-pantay sa kasarian upang matugunan ang mga isyung lumalaganap sa lipunan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga policymakers, marketer, at mga edukador sa pagbuo ng mga hakbang upang labanan ang seksismo sa media.
bottom of page
