top of page
Published in

Academic Frontiers
Kompetensi ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Teknikal na Pagsulat
Academic Frontiers, 2(6), 177-187, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Canino, K. A. S. (2026). Kompetensi ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Teknikal na Pagsulat. Academic Frontiers, 2(6), 177–187. https://doi.org/10.5281/zenodo.20722939
Author(s)
Canino, Kim Angel S.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Senior High School sa teknikal na pagsulat partikular sa liham pag-aaplay, katitikan ng pulong, at deskripsyon ng produkto, gayundin ang mga kahinaan na umiiral sa larangan ng literasi, estruktura ng mensahe, etika, at gramatika. Sinuri rin ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsulat ng teknikal na liham batay sa bokabularyo, kakayahang komunikatibo, at kagamitang pampagtuturo. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong deskriptibo-analitikal na sinamahan ng pakikipanayam sa mga gurong kalahok at pagsusuri ng mga output ng mag-aaral gamit ang rubriks. Ang mga datos ay inanalisa gamit ang frequency count, ranking, at weighted mean upang matukoy ang antas ng kasanayan at suliranin sa teknikal na pagsulat. Batay sa resulta, lumabas na ang mga mag-aaral ay may mababang antas ng kaalaman sa teknikal na pagsulat at nakararanas ng kahinaan sa literasi, estruktura ng mensahe, etika, at gramatika. Natukoy rin ang pangunahing suliranin sa bokabularyo, kakayahang komunikatibo, at kakulangan sa kagamitang pampagtuturo. Dahil dito, nabuo ang SULATECH-SIM (Strategic Intervention Material) bilang kagamitang pampagtuturo na naglalayong mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa teknikal na pagsulat. Ipinapakita ng pag-aaral na may pangangailangan na palakasin ang pagtuturo ng teknikal na pagsulat sa pamamagitan ng angkop na interbensyon at kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo at akademikong kasanayan ng mga mag-aaral.
Keywords
Teknikal na Pagsulat, Kakayahang Komunikatibo, Senior High School, Literasi, Strategic Intervention Material (SULATECH-SIM), Filipino sa Piling Larang (TechVoc)
bottom of page
