top of page
Published in

Academic Frontiers
Mga Kuwentong Adaptasyon Halaw sa mga Piling Kabanata ng Noli Me Tangere Tungo sa Pagbuo ng Self-Learning Material (SLM) sa Baitang 9 ng Mataas na Paaralan ng Santiago
Academic Frontiers, 2(4), 101-113, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Dela Victoria, J. D., & Escultor, G. R. (2026). Mga Kuwentong Adaptasyon Halaw sa mga Piling Kabanata ng Noli Me Tangere Tungo sa Pagbuo ng Self-Learning Material (SLM) sa Baitang 9 ng Mataas na Paaralan ng Santiago. Academic Frontiers, 2(4), 101–113. https://doi.org/10.5281/zenodo.20018581
Author(s)
Dela Victoria et al.
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang mga kabanatang nilapatan ng adaptasyon mula sa Noli Me Tangere; (2) Ano ang antas ng kalinawan ng binuong Self-Learning Material (SLM) batay sa nilalaman, disenyong pandidaktiko, teknikal, at panlipunang konsiderasyon; (3) Ano ang antas ng kabisaan ng SLM sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa pre-test at post-test, at sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa aspeto ng kawilihan, motibasyon, dali ng paggamit, at kontekstwalisasyon; at (4) Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa resulta ng pre-test at post-test ng dalawang seksyon. Gumamit ang mananaliksik ng quasi-experimental design na nakabatay sa aktuwal na klase ng Baitang 9 sa Santiago National High School. Natuklasan na ang adaptasyon ng piling kabanata ay nakatulong sa mas malalim na pag-unawa ng mga mag-aaral; ang binuong SLM ay malinaw at kapaki-pakinabang ngunit mas nagiging makabuluhan kung isinasama ang lokal na kultura; may makabuluhang pagtaas sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral batay sa pre-test at post-test; at may malinaw na pagkakaiba sa resulta ng experimental group kumpara sa controlled group. Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na ang adaptasyong SLM ay epektibong kasangkapan sa pagtuturo ng panitikan, sapagkat nakapagpapalalim ito ng literasi, kritikal na pag-iisip, at kultural na identidad ng kabataang Pilipino.
Keywords
Noli Me Tangere, Kuwentong Adaptasyon, Self-Learning Material (SLM), Contextualized Learning, Makabayang Kamalayan
bottom of page
