top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Mga Salik na Nakaaapekto sa Paglinang sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kursong Bachelor of Science in Office Administration

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 132-141, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Borja, J., Bongalos, A. K., Aldeguer, B. L., Aldeguer, G., Daluz, J. J., Baldoman, J. R., Bacnaon, J., Compas, J., Ariza, M. Q., Bunao, M. A., Cruz, P. R., Ancheta, R., Abi-Abi, R., Dimailig, S., Guzman, S. D., Bariquit, S., Catubig, T., De Guzman, V., Ambaoa, W., … Reambonanza, S. M. R. (2026). Mga Salik na Nakaaapekto sa Paglinang sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Kursong Bachelor of Science in Office Administration. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 132–141. https://doi.org/10.5281/zenodo.18489092

Author(s)

Borja et al.

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga salik na nakaaapekto sa paglinang ng pagkatuto ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Office Administration (BSOA) sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) – Manila. Gumamit ng pag-aaral na deskriptibo-korelasyonal na disenyo, at ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng online survey na sinagutan ng 80 na mag-aaral mula una hanggang ikaapat na taon sa kolehiyo. Batay sa resulta ng pananaliksik, lumitaw na ang pansariling salik gaya ng pamamahala ng oras, disiplina sa sarili, at konsentrasyon ay may malaking impluwensya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aspetong institusyonal, positibo ang pananaw ng mga mag-aaral sa kalidad ng pagtuturo at pasilidad ng paaralan; gayunpaman, ang maingay na kapaligiran at dami ng gawain ay nagdudulot ng pagod at stress. Ipinakita rin na ang sosyo-kultural na salik, kalusugan, at teknolohikal na kahandaan ay may makabuluhang ugnayan sa akademikong pagganap. Sa kabuuan, ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ng iba’t ibang salik, kaya mahalagang isaalang-alang ang isang holistikong pananaw sa edukasyon upang mapabuti ang akademikong pagganap at pangkalahatang kalagayan ng mga mag-aaral.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page