top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral na Kumuha ng Kursong Marketing Management

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 40-45, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Ulaso, R. C., Bagasala, J. R. R., Bajenting, A. G., Cenabre, N. P. B., Dela Cruz, E. J. S., Nicolas, M. M., Pepito, J. D., Porsuelo, M. J., Ramos, J.-J. M., Tanjian, F. E. C., Aquino, R. D., & Billy, M. B. M. (2026). Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral na Kumuha ng Kursong Marketing Management. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 40–45. https://doi.org/10.5281/zenodo.18357588

Author(s)

Ulaso et al.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga salik na naka-aapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na kumukuha ng Marketing Management ng Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Manila. Ipinakita sa pananaliksik ang epekto ng mga personal, pinansyal at ekonomikong salik sa pagganap ng mga mag-aaral. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo at isinagawa sa pamamagitan ng written online na ipinamahagi gamit ang Google Form na ipinamahagi sa limampu (50) piling respondente mula una hanggang ikaapat na taon ng Marketing Management sa EARIST-Manila gamit ang convenience sampling technique. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga mag-aaral, nakita na ang tatlong salik, personal, pinansyal, at ekonomikong salik, ay may makabuluhang impluwensya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa personal na salik, partikular ang disiplina sa pag-aaral, pamamahala ng oras, at antas ng stress, ang may pinakamataas na epekto. Samantala, natukoy rin na ang kakulangan sa pinansyal na kakayahan at ekonomikong salik ay naging hadlang sa pagtupad ng mga akademikong pagganap. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Marketing Management ay bunga ng pinagsamang epekto ng iba’t ibang salik na may kaugnayan sa personal na kakayahan at sosyo-ekonomikong kalagayan. Inirerekomenda ng pananaliksik na nagpatupad ang mga institusyong pang-edukasyon ng mga programang sumusuporta sa akademikong disiplina, mental na kalusugan, at pinansyal na pangangailangan ng mga mag-aaral upang mapabuti ang kanilang akademikong pagganap.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page