top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Kursong Marketing Management sa mga Mag-aaral ng EARIST Manila

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 12-19, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Patricio, R.-J. R., Canja, J. R. P., Bongalosa, J. R. S., Daen, F. M., EVANGELISTA, J. J. P., INOPIA, P. A., HONRADO, R. L. L., NORTES, R. D., PEREZ, R. Z. L. S., SOLIMAN, P. K. S., AQUINO, R. D., & BILLY, M. B. M. (2026). Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagpili ng Kursong Marketing Management sa mga Mag-aaral ng EARIST Manila. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(1), 12–19. https://doi.org/10.5281/zenodo.18295035

Author(s)

Patricio et al.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management ng mga mag-aaral ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) Manila. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo gamit ang case study approach upang masusing maunawaan ang mga dahilan at pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang pagpili ng kurso. Ang mga kalahok ay binubuo ng 25 piling unang taon na mag-aaral ng BSBA Marketing Management na napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang pangangalap ng datos ay isinagawa gamit ang survey questionnaire na may close-ended at open-ended na mga tanong na ipinamudmod sa pamamagitan ng Google Form. Ang nakalap na datos ay sinuri gamit ang Thematic Analysis. Ipinakita ng resulta na ang personal na interes, partikular sa larangan ng negosyo, creativity, komunikasyon, at pagnenegosyo, ang pangunahing salik sa pagpili ng kursong Marketing Management. Lumitaw rin ang praktikalidad at paghahanda sa hinaharap bilang mahalagang konsiderasyon, lalo na sa oportunidad sa trabaho at potensyal na negosyo. Bukod dito, natukoy ang malakas na impluwensya ng pamilya, kabilang ang exposure sa family business at payo ng mga magulang, sa desisyon ng mga mag-aaral. Ang pang-ekonomiya at pang-pinansyal na salik ay nagsilbing karagdagang konsiderasyon kaugnay ng kakayahang tustusan ang pag-aaral at inaasahang kita sa hinaharap. Sa kabuuan, pinatunayan ng pag-aaral na ang pagpili ng kursong Marketing Management ng mga mag-aaral ng EARIST Manila ay bunga ng interaksyon ng personal, pampamilya, pang-ekonomiya, at pang-pinansyal na salik. Ang mga natuklasan ay maaaring magsilbing mahalagang batayan sa pagpapabuti ng career guidance programs at akademikong paghahanda ng institusyon upang higit na matugunan ang pangangailangan at layunin ng mga mag-aaral.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page