top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Pagbuo ng Disenyong Digital Komiks sa Pagbasa Tungkol sa Alamat ng Bulkang Mayon

ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(2), 1-16, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Asares, A. M. (2026). Pagbuo ng Disenyong Digital Komiks sa Pagbasa Tungkol sa Alamat ng Bulkang Mayon. ACADEMIC FRONTIERS Multidisciplinary e-Publication, 2(2), 1–16. https://doi.org/10.5281/zenodo.18654221

Author(s)

Asares, Annabell M.

Abstract

Pangunahing layunin ng pagaaral na ito ang pagbuo ng disenyong digital komiks tungkol sa Alamat ng Bulkang Mayon na magagamit sa pagtuturo ng Wika at Panitikan. Naging gabay sa pagsagawa nito ang PLOMP development model na binubuo ng mga hakbang na (1) Paunang Pagsisiyasat, (2) Disenyo, (3) Pagbuo at (4) Ebalwasyon.. Binigyang kasagutan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan; (1) makagawa ng disenyong digital komiks tungkol sa Alamat ng Bulkang Mayon, at (2) mabatid ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa digital komiks. Ginamit ang kuwalitatibo-palarawang pagsusuri ng metodolohiya na naglalayong mailarawan ang pasunod-sunod na hakbang sa pagbuo ng digital komiks at ang antas ng pagtanggap ng mga respondente sa disenyo. Gumamit din ng talatanungan sa pagsasagawa ng pre-survey sa (80) magaaral ng grade 7 sa BISCAST-Laboratory High School upang malaman ang mga detalye sa mga katangiang gusto nilang makita sa disenyong digital komiks. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ang disenyong digital komiks ay katanggap-tanggap at mainam na gamiting kagamitan ng kaguruan upang mapanumbalik ang atensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan. Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na ang disenong digital komiks ay nagtataglay na malinaw at nauunawaang impormasyon, organisado at maayos ang mga pangyayari sa kuwento, mas nagiging palasak ang paksang tinatalakay dahil sa kaanyuan ng mga tauhan sa kuwento, mas napatataas ang kabatiran sa paksang pinag-aaralan, nagiging daan upang maganyak at makuha ang atensiyon ng mga mag-aaral, mas aktibo ang talakayan sa silid at mas nauunawaan ang kultura at identidad na ating kinagisnan dahil sa maayos na pagpapaliwang ng mensahe ng binabasang akda. Kung kaya nama’y isa sa mga naging rekomendasyon ng mananaliksik ay maaaring ipagamit ang disenyong digital komiks sa mga mag-aaral pampubliko man o pribado. Gayundin, hinihikayat ng mananaliksik ang kaguruan na gumawa ng mga disenyo at mga kagamitang pampagtuturo sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan sa mga mag-aaral.

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page