top of page
Published in

Academic Frontiers
Translanguaging sa Asignaturang Physical Education: Batayan sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Baitang
Academic Frontiers, 2(5), 142-157, ISSN: 3082-4400, 2026.
Recommended Citation:
Consigna, A. E., & Causing, P. M. (2026). Translanguaging sa Asignaturang Physical Education: Batayan sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikaapat na Baitang. Academic Frontiers, 2(5), 142–157. https://doi.org/10.5281/zenodo.20336745
Author(s)
Consigna, Alpie E., Causing, Pilmore M.
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang bisa ng translanguaging bilang estratehiya sa pagtuturo ng Physical Education (PE) sa Baitang 4. Ginamit ang ABAB Single-Subject Experimental Design upang matukoy ang functional na ugnayan ng paggamit ng wika sa akademikong pagganap ng 42 mag-aaral na nasa antas na "full refresher." Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa loob ng apat hanggang walong linggo gamit ang self-made questionnaire na dumaan sa balidasyon. Ginamit ang Mean, Standard Deviation, Repeated Measures ANOVA, at Paired-Samples t-Test para sa estadistikal na pagsusuri. Natuklasan sa pag-aaral na ang paunang antas ng mga mag-aaral bago ang interbensyon ay nasa "Did Not Meet Expectations" (M=15.6). Sa paglalapat ng translanguaging (Intervention 1), umakyat ang marka sa "Satisfactory" (M=7.10), ngunit muling bumaba sa "Did Not Meet Expectations" (M=4.67) noong inalis ang interbensyon (Withdrawal), na nagpapatunay sa krusyal na papel ng estratehiya. Sa huling yugto, ang post-test ay nagpakita ng pag-angat tungo sa "Fairly Satisfactory" (M=26.40). Ang nakuhang t-value na 11.6 at p-value na < .001 ay nagpapatunay na ang pag-unlad ay makabuluhan at hindi nagkataon lamang. Ang Cohen’s d na 1.79 ay nagpapahiwatig ng isang large effect size, na nagpapatunay na ang translanguaging ay isang mabisang tulay sa pag-unawa. Batay sa resulta, nabuo ang konklusyon na ang tuluy-tuloy na paggamit ng higit sa isang wika ay nagpapataas ng mastery sa paksa. Inirerekomenda ang paggamit ng translanguaging bilang opisyal na estratehiya sa pagtuturo, pagbuo ng mga bilingguwal na kagamitang pampagtuturo, at pagsasagawa ng mga LAC sessions para sa mga guro. Iminumungkahi rin sa DepEd ang pagsusuri sa Medium of Instruction upang gawing mas inklusibo ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
Keywords
Translanguaging, Physical Education, ABAB Experimental Design, Akademikong Pagganap, Diskurso ng Klase, Interbensyong Pampagtuturo, Full Refresher, Mastery Level, Single-Subject Design, Bilingguwal na Pagtuturo
bottom of page
