top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Tuob-CarCanMadCarLan: Isang Pagsusuri sa Nilalaman ng mga Piling Kuwentong-Bayan

Academic Frontiers, 2(6), 199-216, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Avisado, M. A., & Serdan, G. A. (2026). Tuob-CarCanMadCarLan: Isang Pagsusuri sa Nilalaman ng mga Piling Kuwentong-Bayan. Academic Frontiers, 2(6), 199–216. https://doi.org/10.5281/zenodo.20732033

Author(s)

Avisado, Maureen A., Serdan, Geraldine A.

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng nilalaman ng mga piling kuwentong-bayan ng CarCanMadCarLan mula sa antolohiya ni Bb. Aisah B. Camar na inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino noong taong 2021. Layunin ng pag-aaral na matukoy at mailarawan ang mga kulturang nasasalamin sa mga kuwentong-bayan sa pamamagitan ng tatlong pangunahing dimensyon: (1) Tema at Motibo, (2) Tauhan at Kulturang Nasasalamin, at (3) Pagpapahalagang Panlipunan. Ginamit sa pag-aaral ang pamamaraan ng content analysis upang sistematikong masuri ang mga piling kuwentong-bayan. Sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri, natukoy ang mga pangunahing tema at motibo, mga tauhan at kulturang nasasalamin, at mga pagpapahalagang panlipunan na nagpapakita ng identidad, paniniwala, at tradisyon sa CarCanMadCarLan. Bilang awtput ng pananaliksik, binuo ang isang booklet na naglalaman ng mga piling kuwentong-bayan ng CarCanMadCarLan at kaukulang pagsusuri, gayundin ang isang localized lesson exemplar para sa Filipino 7, Ikalawang Kwarter, Una hanggang Ikawalong Linggo. Layunin ng pag-aaral na ito na magsilbing gabay ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang rehiyonal at sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa kulturang Pilipino, partikular sa CarCanMadCarLan.

Keywords

kuwentong-bayan, Tuob, CarCanMadCarLan, Localized Lesson Exemplar

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page