top of page

Published in

5.png

Academic Frontiers

Wika at Politika sa Meme: Isang Pagsusuri Bilang Batayan sa Pagbuo ng Lesson Exemplar sa Baitang 6

Academic Frontiers, 2(6), 14-22, ISSN: 3082-4400, 2026.

Recommended Citation:

Hernandez, D. N. G. G., & Ciruela, D. M. A. (2026). Wika at Politika sa Meme: Isang Pagsusuri Bilang Batayan sa Pagbuo ng Lesson Exemplar sa Baitang 6. Academic Frontiers, 2(6), 14–22. https://doi.org/10.5281/zenodo.20571646

Author(s)

Hernandez, Diana Nara Gail G., Ciruela, Denzel Mark A.

Abstract

Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang diskursong pampulitika sa 77 piling social media memes upang makabuo ng isang komprehensibong kagamitang panturo (Lesson Exemplar) na magpapaunlad sa kritikal na literasiya ng mga mag-aaral sa Baitang 6 sa asignaturang Filipino. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong disenyo, partikular ang metodong Content Analysis batay sa teorya ni Limor Shifman, na sinabayan ng descriptive-evaluative na pamamaraan at purposive sampling. Batay sa tematikong kategorisasyon, natuklasan na nangunguna sa mga isyung panlipunan ang Ekonomiya (23%) at Edukasyon (22%), na sinusundan ng Kalusugan (20%), Imprastraktura (19%), at Karapatang Pantao at Batas (16%). Nahati ang mga artifacts sa tatlong klasipikasyon: Public Discussion Meme na gumagamit ng satira sa diskurso ng korapsyon; Grassroots Action Meme na nagpapahayag ng hinaing ng masa gamit ang wika ng internet; at Persuasive Meme na humihikayat ng kilos at nagwawasto ng balarila. Pinatunayan sa ebalwasyon na mataas ang antas ng kaangkupan ng mga politikal na memes sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Baitang 6. Bilang kongklusyon, ang memes ay isang makabago at akademikong tekstong biswal na nagsisilbing permanenteng tulay upang pagsamahin ang teknikal na wika at kritikal na literasiya ng mga kabataan laban sa disimpormasyon. Inirerekomenda sa mga guro at curriculum developers ang pormal na integrasyon ng mga multimodal na materyales na ito sa kurikulum, habang pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na gamitin ito sa kritikal na pagkatuto at bukas na komunikasyon hinggil sa mga isyung pambansa.

Keywords

Political Memes, Kritikal na Literasiya, Content Analysis, Lesson Exemplar, Baitang 6, Asignaturang Filipino, Multiliteracy, Kurikulum, Tekstong Biswal, Isyung Panlipunan

© 2024, Lakbay-Diwa Publishing,  All Rights Reserved

bottom of page